Ang Al-Sirat Al-Mustaqim ay isinalin bilang “tuwid na landas” o “tamang daan.” Sa limang araw-araw na pagdarasal ng mga Muslim, inuulit nila ito ng 17 beses sa Al-Fatihah:
“Gabayan Mo kami sa Tuwid na Daan, ang daan ng mga pinagpala Mo, hindi ng mga kinagalitan Mo, at hindi ng mga naligaw.”
— Surah Al-Fatihah 1:6-7 (Qur’an Tagalog Translation by Abdul Rakman M. Imam)
Maraming beses binanggit ang tuwid na daan sa Qur’an (halimbawa: 1:7, 6:153, 19:36, 43:61–64), ngunit ilan lang ang malinaw na naglalarawan kung ano ito.
A) Surah Aal-Imran 3:45–51
Sa bahaging ito, makikita na ang tuwid na landas ay:
-
Paniniwala na si Isa (Hesus) ay Salita mula sa Allah, ang Kristo, anak ni Maria, pinarangalan sa buhay na ito at sa Kabilang Buhay.
-
Siya ay inilapit sa Allah.
-
Tinuruan siya ng Aklat, karunungan, ang Tawrat at Injil.
-
Siya ay sugo sa mga anak ni Israel.
-
Nagdala siya ng tanda.
-
Lumikha siya ng ibon, nagpagaling ng bulag at ketongin, bumuhay ng patay — lahat sa pamamagitan ng kapahintulutan ng Allah.
-
Kinumperma niya ang Tawrat.
-
Pinahintulutan niya ang ilang dating ipinagbawal.
-
May takot sa Allah.
-
Pagsunod kay Isa.
-
Paniniwala sa nag-iisang Diyos na Panginoon ni Isa at ng lahat.
-
Pagsamba sa Allah.
B) Surah Al-Anaam 6:153–154
Makikita dito na ang tuwid na landas ay ang:
-
Pagsunod sa mga utos ng Diyos, kabilang na ang Sampung Utos na ibinigay kay Moises (Tawrat, Exodo 20:1–17 at Deuteronomio 5:6–21).
C) Surah Maryam 19:19–36
Ang tuwid na landas dito ay ang:
-
Paniniwala na si Isa ay walang kasalanan.
-
Ang kanyang ina ay isang birhen.
-
Si Isa ay tanda at awa na itinakda ng Allah.
-
Siya ay lingkod ng Allah.
-
Siya ay binigyan ng Aklat at ginawa siyang propeta.
-
Siya ay pinagpala, inutusan na magdasal, magbigay ng limos, at igalang ang kanyang ina.
-
Hindi siya naging mapagmataas o suwail.
-
Pinagpala ang kanyang kapanganakan, kamatayan, at muling pagkabuhay.
-
Siya ang “pahayag ng katotohanan.”
-
Kapag nag-utos ang Allah, sinasabi Niya lang na “Mangyari!”
-
Paniniwala sa nag-iisang Allah na Panginoon ni Isa at ng lahat.
-
Pagsamba sa Allah.
D) Surah Ya-Sin 36:60–61
Dito, ang tuwid na daan ay:
-
Huwag sumamba kay Satanas.
-
Sambahin lamang ang Allah.
E) Surah Az-Zukhruf 43:57–64
Ang tuwid na daan ay:
-
Huwag tanggihan si Isa.
-
Paniniwala na si Isa ay alipin na pinagpala, tanda ng Huling Oras.
-
Huwag pagdudahan ang Huling Oras.
-
Sumunod sa Allah.
-
Huwag hayaang iligaw ka ni Satanas.
-
Paniwalaan ang mga himala at karunungang dala ni Isa.
-
Paniwalaan na si Isa ay nagdala ng paliwanag sa pagkakaiba-iba.
-
Magkaroon ng takot sa Allah.
-
Sumunod kay Isa.
-
Sambahin ang nag-iisang Diyos na Panginoon ni Isa at ng lahat.
-
Sambahin ang Allah.