“Sapagkat pinalibutan ako ng maraming aso; kinubkob ako ng pulutong ng masasama. Tinarakan nila ang aking mga kamay at ang aking mga paa… Pinaghati-hatian nila ang aking mga kasuotan, at ang aking kasuutan ay kanilang pinagsapalaranan.” (Zabur, Awit 22:16, 18 – MBBTAG)
Ang talatang ito ay isinulat ni Haring David halos 1,000 taon bago nangyari ang mga pangyayaring ito kay Isa Al-Masih. Maaaring hindi niya alam na siya ay iniinspirasyon ni Allah upang isulat ang tungkol sa hinaharap na mangyayari sa Mesiyas, ngunit ito’y eksaktong naglarawan sa mga nangyari:
“Pagkatapos na maipako si Jesus sa krus, kinuha ng mga kawal ang kaniyang damit at pinaghati-hatian nila sa apat na bahagi, isang bahagi para sa bawat kawal. Kinuha rin nila ang kaniyang tunika na walang tahi, hinabing buo mula sa itaas. Kaya’t nag-usap-usap sila, ‘Huwag nating hatiin ito; sa halip, magpalabunutan na lang tayo kung kanino mapupunta.’ Nangyari ito upang matupad ang Kasulatan na nagsasabing: ‘Pinaghati-hatian nila ang aking kasuotan, at ang aking damit ay kanilang pinagsapalaranan.’ Kaya’t ito nga ang ginawa ng mga kawal.” (Injil, Juan 19:23-24, MBBTAG)