Kuwento ni Mustafa

Ako si Mustafa. Galing ako sa Middle East, pero ngayon ay dito na ako nakatira sa U.S. Napangasawa ko ang isang babaeng Kristiyano, at masaya kaming namuhay nang magkasama. Naging malapit din ako sa mga Kristiyanong kaibigan namin.
Pero isang araw, bigla akong naulila — namatay ang asawa ko dahil sa stroke. Dumating ang aming mga kaibigan para damayan ako sa aking pagdadalamhati.
Ramdam ko ang matinding lungkot at panghihina, at naisip ko: Mayroon kayang panalangin na kayang gumawa ng himala, na kayang humipo sa hindi nakikitang kapangyarihan?

Pagkalipas ng ilang buwan, naiwan ako na maraming tanong sa isipan, puno ng kalungkutan, nasa isang banyagang bansa, at kasama ko lang ang dalawang taong gulang naming anak na babae.
Walang kapayapaan sa puso ko.
Pero ang mga kaibigan kong Kristiyano, patuloy na dumarating. Nagkakasama kami sa sakit, at madalas naming napag-uusapan ang tungkol sa Diyos. Pero alam ko sa sarili ko, may sariling paglalakbay akong kailangang tahakin — ang personal na maranasan si Jesus.

Bilang isang Muslim, hindi ko pinagdududahan na may Diyos.
Ang tanong ko ay: “Naroroon ba Siya sa panahon ng pangangailangan? Talagang nagpapakita ba Siya?”
Nahuhulog ako sa panonood ng mga kakaibang video sa YouTube, tungkol sa espiritwal na mga bagay.
Minsan, nananaginip ako na parang may masasamang espiritu na pinipilit akong gipitin.
Pero kahit ganun, hindi ako natakot.

Hanggang sa matapos ang Ramadan, nagkaroon ako ng isang panaginip na kakaiba sa lahat.

Sa panaginip, nasa loob ako ng isang bahay.
May mga mababangis na hayop doon na kumakain ng mga baka. Limang hayop sila, at yung pang-anim, mukhang hyena pero alam kong nagkukubli lang siya — may tinatago siyang pagkatao.
Pinanood ko sila, tapos pinalayas ko sila.
Pero ‘yung huli, ayaw umalis.
Kinailangan ko pa siyang hampasin ng malakas para mapaalis.

Pagkatapos, bigla akong nakarinig ng boses sa radyo.
Sinasabi ng boses na may malaki raw na nangyayari sa langit.
Pakiramdam ko, parang alam ko kung ano iyon, pero nakalimutan ko.

Lumabas ako ng bahay at nakita ko ang isang napakalaking orasan sa langit — kasing laki ng gusali!
Mayroon itong mga Roman numeral, at gawa ito sa malinaw na salamin na puwedeng makita ang loob at labas.
Ang daming tao mula sa iba’t ibang lugar na pumupunta sa direksyon ng orasan.
Hindi ko mabasa ang oras, pero kita kong gumagalaw nang mabagal ang mga gears sa loob nito.
Nakita ko rin sa pagitan ng mga numero, may maliliit na taong gumagalaw.

Habang pinagmamasdan ko, dumating ang kaibigan kong Kristiyano.
Inakbayan niya ako at tinanong kung natatandaan ko ang kulay ng orasan.
Sabi ko, “Oo, dilaw.”
Tapos bigla akong nagising.

Agad akong nagpunta sa mga kaibigan kong Kristiyano para ikwento ang panaginip ko.
Sa gulat ko, sa sala nila — nandoon ang eksaktong orasan na nakita ko sa panaginip!
Para sa amin pareho, malinaw na senyales ito na dapat naming sabay na maintindihan ang panaginip na iyon.
Tinulungan nila akong suriin ang kahulugan nito.

Ang bahay sa aking panaginip ay sumisimbolo ng tirahan at dapat na maging ligtas na lugar.
Pero sa loob nito, may mababangis na hayop — simbolo ng kapahamakan at kaguluhan.
Tulad sa panaginip ni Yusuf (Surah Yusuf, 12:4-6), ang mga hayop na nagkakainan ay babala ng problema.
Ang huling hayop na nagmatigas at ayaw umalis, na napilitan akong palayasin, ay sumisimbolo kay Satanas — ang manlilinlang.
Siya ang nang-uudyok sa iba para sumunod sa kanyang kagustuhan.

Ang boses sa radyo ay parang mga lingkod ng Diyos na nagpapaalala sa atin na malapit na ang Oras — ang Araw ng Paghuhukom.
Parang sinasabi nito sa akin na may nalimutan akong mahalagang bagay, at kailangan kong balikan ito.

Pagkatapos, ang eksena ay mula sa bahay sa lupa, napunta sa langit.
Para bang sinasabi ng Diyos sa akin na huwag akong ma-focus sa paglilinis lang ng bahay — mas mahalaga ang Oras.

Ang orasan na nakita ko ay kumakatawan sa Oras.
Sinasabi nga sa Qur’an:
“Si Jesus ay magiging isang tanda ng Oras; kaya huwag kayong magduda rito, at sumunod kayo sa Akin. Ito ang matuwid na landas.”
(Qur’an 43:61, The Noble Qur’an)

At ganito rin ang sinasabi sa Biblia:
“Masdan! Siya ay dumarating na kasama ng mga alapaap, at makikita Siya ng bawat mata, maging ng mga sumibat sa Kanya. At ang lahat ng mga bayan sa lupa ay mananangis dahil sa Kanya.”
(Pahayag 1:7, Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version)

Ano ang ibig sabihin nito?
Ipinakita sa akin ng Diyos na malapit na talaga ang Oras.
Yung transparent na orasan — nakikita ng lahat, Silangan man o Kanluran.
Ang mga gears sa loob ay sumisimbolo ng bawat henerasyon na magkakaugnay, na bumubuo ng isang pamilya ng mga tapat na tao ng Diyos.
Ang mga taong gumagalaw sa loob ng orasan ay nagpapakita na sa kasaysayan, may mga taong hindi natatakot sa Araw ng Paghuhukom dahil nakilala nila at tinanggap si Al-Masih (Jesus) bilang makapangyarihan sa araw na iyon.

Sa huli, binigyan ako ng Diyos ng kasamahan sa espirituwal na paglalakbay na ito — isang kaibigan na nais ding makilala Siya nang mas malalim.
Ipinapakita sa akin ng Diyos na malapit na ang oras, at inaanyayahan Niya akong maging bahagi ng Kanyang gawain sa huling araw.
Kaya ngayon, patuloy akong nag-aaral tungkol kay Isa Al-Masih at sa pananampalataya ng aking mga kaibigan na naging tulay para ako ay makalapit sa Kanya.

Leave a Reply

Begin typing your search above and press return to search.