Ako si Abed Al-Masih. Lumaki ako sa gitna ng Middle East. Pinalaki ako sa paniniwala na walang Diyos. Pero noong ako’y naging teenager, naging masigasig akong Muslim. Tinuruan akong kamuhian ang mga Kristiyano at si Cristo na pinaniniwalaan nila. Ang sabi sa amin, ang mga infidel na ito ay marumi at nagsisinungaling. Dumating sa punto na kinamuhian ko pati ang sarili kong pamilya dahil hindi sila sumusunod sa Tuwid na Daan, ang tunay na relihiyon ng Diyos.
Sa gitna ng kaguluhan at galit sa puso ko, isang gabi, habang ako’y nag-aaral para sa aking final exams—ako ay 17 taong gulang noon—may isang Lalaking nakaputi ang nagpakita sa akin. Inakbayan niya ako at sinabi, “Ako ang Daan, ang Katotohanan, at ang Buhay. Gusto kitang sundan mo Ako at paglingkuran Ako. Marami kang haharapin na pagsubok, pero Ako ay kasama mo. Magtatagumpay ka sa Akin. Ikaw ay Akin.”
Sa sandaling iyon, naranasan ko ang kapayapaan na hindi ko pa kailanman naramdaman. Para bang ako ay nasa presensya ng mismong Kapayapaan.
Pero sino ang Lalaking ito na tinawag ang Kanyang sarili na ang Daan, ang Katotohanan, at ang Buhay? Hindi ko alam, kaya nagsimula akong maghanap ng kasagutan. Isang Kristiyano ang nagsabi sa akin na ito ay sinabi mismo ni Jesus sa Bibliya. Humingi ako ng kopya ng Bibliya at, nang gabing iyon, binasa ko ang buong Bagong Tipan nang dalawang beses hanggang sa makita ko ang talata sa:
“Sumagot si Jesus, ‘Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay. Walang makakapunta sa Ama kundi sa pamamagitan Ko.’“
— Juan 14:6 (MBB)
Dalawang araw ang lumipas, at muling kumilos ang Diyos sa pamamagitan ng isang panaginip. Sa panaginip, naglalakad ako sa isang kagubatan kasama ang isang grupo ng tao. Dumating kami sa isang madilim na bahagi ng gubat. Natakot ang iba na magpatuloy, pero sinabi kong magpapatuloy ako. Apat na beses itong naulit hanggang sa ako na lang ang naglalakad mag-isa. Natapos ang daan sa isang maliit, luma at sira-sirang bahay na may isang kandilang nakasindi sa loob. Pumasok ako, at pagpasok ko, namatay ang ilaw ng kandila. Lumuhod ako at pumikit. Tinanong ko, “Bakit?”
Biglang naramdaman ko ang isang kamay sa balikat ko. Pagmulat ng mata ko, ang lumang bahay ay naging bago at napuno ng liwanag. Ang parehong Lalaki na nakita ko noon ay naroon muli, katabi ko. Sabi Niya, “Lumakad ka. Huwag kang matakot. Lagi Akong kasama mo.“
Doon ko naranasan kung paano hinawakan ng Diyos ang buhay ko. Hanggang ngayon, pakiramdam ko ang kamay Niya ay nasa balikat ko pa rin araw-araw. Alam ko na may plano Siya para sa akin, at sinusundan ko ang Kanyang direksyon. Ginagawa ko ang lahat ng makakaya ko para paglingkuran Siya.
Tanging si Cristo lang ang makakapaglinis sa puso’t isip natin mula sa galit at puwede Niyang punuin ito ng Kanyang Espiritu:
“Ang bunga ng Espiritu ay pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, pagtitiyaga, kabaitan, kabutihan, katapatan, kahinahunan at pagpipigil sa sarili.“
— Galacia 5:22-23 (MBB)
Inaanyayahan kita na sundan si Cristo at hayaan Siyang baguhin ang buhay mo. Siya lamang ang daan patungo sa Ama.
“Sinabi ni Jesus, ‘Ako ang Daan, ang Katotohanan, at ang Buhay. Walang sinuman ang makakapunta sa Ama kundi sa pamamagitan Ko.’“
— Juan 14:6 (MBB)