Ang Kwento ni Nabila

Ako si Nabila, at dati akong namumuhay sa kadiliman. Hindi ko alam kung saan tutungo, at pakiramdam ko ay nawawala ako. Gabi-gabi akong natutulog na naguguluhan, umiiyak hanggang makatulog.

Nakatira ako sa North-African Maghreb region, sa isang mahigpit na bansang Muslim kung saan halos walang nakakakilala sa Kristiyanismo. Nang maghiwalay ang aking mga magulang, nakipagkaibigan ang nanay ko sa ilang mga Kristiyanong misyonaryo. Nagsimula silang mag-aral ng Bibliya kasama siya, pati na rin ako. Nang malaman ito ng aking amang Muslim, kinuha niya ako at pinatira sa kanya. Doon ko naranasan ang matinding kalungkutan at depresyon.

Isang gabi, nanaginip ang aking ina na siya raw ay nakatira malapit sa isang simbahan. Pinaniwalaan niyang ito ay mensahe mula sa Diyos, kaya hinanap niya ang simbahan na katulad sa kanyang panaginip. Nang matagpuan niya ito, lumipat siya sa lugar na iyon. Sa isang paraan na tanging Diyos lamang ang makakapagplano, nakilala niya si Ibrahim, isang ebanghelista, at nagsimula silang mag-aral ng Bibliya. Ang puso ng aking ina ay hinipo ng Banal na Espiritu at naniwala siya kay Isa Al-Masih.

Muli na namang nanaginip ang nanay ko. Sa panaginip na iyon, nag-aabot siya ng tinapay sa kanyang mga kapitbahay. Naintindihan niyang ito ay panawagan ng Diyos na ibahagi ang kanyang bagong pananampalataya. Nagpabautismo siya at naging kauna-unahang mananampalataya kay Isa Al-Masih sa buong lahi niya.

Samantala, habang naninirahan pa rin ako sa aking ama, lumalim ang aking depresyon. Tuwing bumibisita ako sa aking ina, napapansin niyang namumutla ako at pumapayat. Lagi ko siyang sinasabihan na huwag mag-alala. Lagi niya akong ipinagdarasal, pero ginagawa ng kaaway ang lahat upang ma-distract ako sa pagbabasa ng Bibliya.

Hanggang sa hindi ko na kinaya. Isang araw, napahagulgol ako at sinabi sa nanay ko na hindi ko na kayang manatili sa bahay ng tatay ko. Pakiramdam ko ay nag-iisa ako at iniwan ng lahat. Pinayapa niya ako at sabay kaming nagdasal. Pagkatapos niyang umalis sa kwarto ko, nanalangin akong mag-isa. Humingi ako ng tulong sa Panginoon na alisin ang lahat ng lungkot at pagkalito sa puso ko.

At doon, pinuno Niya ako ng galak! Isang himala ang nangyari.

Kinabukasan, nagising ako na magaan ang pakiramdam at may ngiti sa labi. Hindi ko maipaliwanag ang ligaya na naramdaman ko, at doon ko naunawaan na buhay ang Diyos — sumasagot Siya sa mga panalangin! Dahil sa karanasang ito, nagpasya akong makipag-Bible study kay Ibrahim. Sa kabutihang-loob ng Diyos, pinayagan ako ng tatay ko na manatili sa nanay ko ng apat na buwan.

Kalaunan, kailangan kong bumalik sa bahay ng ama ko, pero bitbit ko ang bagong lakas ng loob at kapayapaan sa puso, alam kong kasama ko si Isa Al-Masih. Ilang buwan pa ang lumipas, nagpabautismo ako sa isang kalapit na bansa. Unti-unti kong naiintindihan na bahagi ako ng isang napakalaking pamilya (Ummah) kay Isa Al-Masih.

Ako at ang aking ina ay naniniwala na hindi pa tapos ang Diyos sa paggawa ng mga himala sa aming buhay. Siya ay patuloy na gumagalaw, nagtuturo, at gumagabay. Ang aming kwento ay patunay na ang Diyos ay buhay, at Siya ay tumutugon sa panalangin ng mga taong tapat na humahanap sa Kanya

Leave a Reply

Begin typing your search above and press return to search.