Maraming diskusyon at pagtatalo tungkol kay Isa Al-Masih—kung sino nga ba Siya. Maging ang Qur’an ay nagsasabi na marami ang nagdududa at nagkakaiba-iba ng opinyon tungkol sa Kanya. Tulad ng nasusulat:
-
“Ito si Jesus, anak ni Maria. Ito ang totoo na kanilang pinag-aalinlanganan.”
(Surah Maryam 19:34, Quran Al-Hilali-Khan Translation) -
“Ngunit ang mga pangkat-pangkat ay nagkakaiba-iba ng paniniwala tungkol sa Kanya.”
(Surah Maryam 19:37, Quran Al-Hilali-Khan Translation) -
“Ngunit ang mga pangkat-pangkat ay nagkakaiba-iba ng paniniwala tungkol sa Kanya.”
(Surah Az-Zukhruf 43:65, Quran Al-Hilali-Khan Translation) -
“Yaong mga nagkakaiba-iba ng pananaw tungkol sa Kanya ay nag-aalinlangan.”
(Surah An-Nisa 4:157, Quran Al-Hilali-Khan Translation)
Ngunit bakit nga ba nagkakaroon ng ganitong kalituhan? Tingnan natin kung ano ang sinasabi ng Banal na Bibliya at Qur’an tungkol kay Isa Al-Masih.
Mga Pagsasalarawan kay Isa Al-Masih ayon sa Qur’an
Ayon sa Qur’an, si Jesus ay:
-
Ang Salita ng Diyos (Kalimatullah) at Espiritu ng Diyos (Ruhullah)
(Surah An-Nisa 4:171) -
Ang Mesiyas (Al-Masih)
(Surah Al-Imran 3:45; An-Nisa 4:157, 4:172; Al-Ma’idah 5:17, 5:72, 5:75; At-Tawbah 9:31) -
Karapat-dapat sa mataas na karangalan sa mundong ito at sa kabilang buhay (Wajeeh)
(Surah Al-Imran 3:45) -
Pinagpala (Mubarak)
(Surah Maryam 19:31)
Makikita rin sa Qur’an ang tungkol sa Kanyang pagkapanganak mula sa isang birheng ina, Kanyang mga kamangha-manghang gawa, ang Kanyang kamatayan, pagkabuhay muli, at pag-akyat sa langit, at ang Kanyang muling pagbabalik:
-
Pagkapanganak mula sa birhen:
(Surah Al-Imran 3:42-47; Maryam 19:16-31) -
Mga himala:
(Surah Al-Imran 3:49; Al-Ma’idah 5:110) -
Kamatayan at pag-akyat sa langit:
(Surah An-Nisa 4:157; Maryam 19:33-34; Al-Imran 3:55; An-Nisa 4:158) -
Muling pagbabalik:
(Surah Az-Zukhruf 43:57-61)
Pagkapanganak ng isang Birhen
Ganito inilalarawan ng Qur’an ang Kanyang pagkasilang mula sa isang birhen:
-
“At siya [Maryam] ay nag-ingat sa kanyang puri; kaya binigyan namin siya ng Espiritu mula sa Amin at ginawa naming isang tanda para sa lahat ng sangkatauhan.”
(Surah Al-Anbiya 21:91) -
“Si Maryam na anak ni Imran, na nag-ingat sa kanyang puri. Kaya hiningahan namin siya sa pamamagitan ng aming Espiritu, at siya ay naniwala sa salita ng kanyang Panginoon.”
(Surah At-Tahrim 66:12) -
“Si Kristo Jesus, anak ni Maria, ang Sugo ng Diyos, ang Kanyang Salita na ipinadala kay Maryam, at isang espiritu mula sa Kanya.”
(Surah An-Nisa 4:171) -
“Sinabi ng mga anghel: ‘O Maryam, pinili ka ng Diyos at nilinis ka. Pinili ka niya higit sa lahat ng kababaihan sa mundo.’”
(Surah Al-Imran 3:42) -
“Sinabi ng mga anghel: ‘O Maryam, binibigyan ka ng Diyos ng magandang balita tungkol sa isang Salita mula sa Kanya. Ang kanyang pangalan ay Mesiyas Jesus, anak ni Maryam, magiging tanyag at pinararangalan sa mundong ito at sa kabilang buhay, at malapit sa Diyos…’ Sinabi ni Maryam, ‘Paano ito mangyayari, gayong hindi pa ako nagalaw ng sinuman?’”
(Surah Al-Imran 3:45 & 47) -
“Sinabi niya, ‘Ako ay isang sugo mula sa iyong Panginoon upang bigyan ka ng isang malinis na anak.’ Sinabi ni Maryam, ‘Paano ako magkakaroon ng anak gayong hindi ako kailanman nagalaw ng lalaki, at hindi rin ako isang masamang babae?’ Sinabi niya, ‘Ito ang sinabi ng iyong Panginoon: Madali ito para sa Akin. At gagawin namin siyang isang tanda sa lahat ng tao at isang awa mula sa Amin. At ito ay itinakda na.’ Kaya siya ay nagdalang-tao at lumayo sa isang liblib na lugar.”
(Surah Maryam 19:19-22)
Ganito rin isinasaad sa Banal na Bibliya:
-
“Ang isang birhen ay magdadalang-tao at manganganak ng isang anak na lalaki, at tatawagin siyang Emmanuel, na nangangahulugang ‘Kasama natin ang Diyos.’”
(Tawrat Isaias 7:14, Magandang Balita Biblia) -
“Ipinadala ng Diyos ang anghel na si Gabriel sa isang birhen… Sinabi ng anghel, ‘Mabuhay ka! Pinagpala ka ng Diyos. Kasama mo Siya.’… ‘Huwag kang matakot, Maria. Kinalulugdan ka ng Diyos. Ikaw ay magdadalang-tao… pangalanan mo Siyang Jesus. Siya’y magiging dakila… Anak ng Kataas-taasang Diyos… Maghahari Siya… at ang Kanyang paghahari ay walang katapusan.’… ‘Paano ito mangyayari, gayong ako’y birhen?’… ‘Sasaiyo ang Espiritu Santo… kaya’t ang ipapanganak mo ay banal at tatawaging Anak ng Diyos.’… ‘Wala ngang imposible sa Diyos.’”
(Injil Lucas 1:26-38)
Makikita natin na parehong tinutukoy ng Qur’an at ng Banal na Bibliya na ang pagbubuntis ni Maryam ay sa pamamagitan ng hininga o Espiritu ng Diyos. Walang binanggit na seksuwal na ugnayan — God forbid! Sa halip, ito ay isang himalang ginawa ng Diyos.
Kaya kapag sinasabi sa Bibliya ang terminong “Anak ng Diyos,” hindi ito nangangahulugan na may asawa ang Diyos o nagkaroon Siya ng relasyong seksuwal. Hindi rin nito sinisira ang pagka-Isa ng Diyos. Sa halip, ang kapanganakan ni Isa Al-Masih ay dahil sa hininga ng Espiritu ng Diyos.
Ano ang Naglalarawan na ang Isang Anak ay Anak ng Kanyang Ama?
-
Taglay ang dugo ng ama.
Wala si Isa ng ama sa lupa — kaya kaninong dugo ang nasa Kanya? Iyan ang dahilan kung bakit Siya ay tinatawag na “Anak ng Diyos.” -
Taglay ang pangalan ng ama.
Dahil walang amang makalupa si Isa, dala Niya ang pangalan ng Diyos. Iyan ang dahilan kung bakit tinatawag Siyang “Anak ng Diyos.” -
Taglay ang kalikasan at katangian ng ama.
Dahil walang amang makalupa si Isa, dala Niya ang likas at katangian ng Ama sa Langit. Iyan ang dahilan kung bakit tinatawag Siyang “Anak ng Diyos.”