Tatlong Pinagmumulan ng mga Panaginip:
May tatlong pinagmumulan ng mga naiisip natin—mula sa ating sarili, mula kay Allah, at mula sa kaaway. Ganoon din ang panaginip.
1. Panaginip mula sa Kaaway:
Ang mga panaginip na mula sa kaaway ay nagdadala ng takot, madilim, walang pag-asa, at puno ng tukso; ang mga bangungot ay malinaw na halimbawa nito.
2. Panaginip mula kay Allah:
Ang mga panaginip mula kay Allah ay maaaring magpakita o magbunyag ng hindi magagandang bagay na maaaring mangyari, pero laging may kasamang mensaheng ng pag-asa. Hindi nagdadagdag si Allah ng takot sa buhay mo; bagkus, binabawasan Niya ito. Maaaring ipakita Niya sa’yo sa panaginip ang dahilan ng iyong kinatatakutan, pero kasabay nito, ibibigay din Niya ang solusyon.
3. Panaginip mula sa Sarili:
Ang mga panaginip na mula sa sarili ay maaaring resulta ng mga iniisip, mga pangyayaring pinagdaanan, trauma, o reaksyon sa kapaligiran. Madalas, ito rin ay sumasalamin sa ating mga personal na hangarin at takot.
Mga Tanong na Makakatulong Para Maunawaan ang Kahulugan ng Panaginip:
-
Ano ang pinaka-dominanteng emosyon o pakiramdam sa panaginip?
-
Ito ang pinaka-importanteng clue. Ikaw ba’y natakot? Naging kumpiyansa? Ano ang nagdulot ng emosyon na iyon?
-
-
May bahagi ba ng panaginip na nagpapaalala sa iyo ng nangyari kahapon?
-
Kung oo, maaaring ito ay “association dream”, na konektado lang sa iyong mga karanasan kamakailan.
-
-
Saan naganap ang panaginip?
-
Ano ang kahulugan ng lugar na iyon para sa’yo? Nakakapagbigay ba ito ng kapanatagan o panganib?
-
-
Kaya mo ba itong ibuod nang hindi inaayos o binabago ang pagkakasunod-sunod para lang magmukhang may sense?
-
Tandaan, ang panaginip ay dapat intindihin kung paano ito nangyari, hindi kung paano mo gustong maintindihan.
-
-
Sino ang mga pangunahing karakter?
-
Sino sila para sa’yo? Ano ang naramdaman mo sa kanila? Ano ang aspeto ng sarili mo na maaaring kinakatawan nila? Tandaan, ang panaginip ay tungkol sa’yo, hindi sa ibang tao.
-
-
May mga simbolo ba na malinaw sa panaginip?
-
Alam mo ba kung ano ang ibig sabihin ng mga iyon sa personal mong karanasan o pananampalataya?
-
-
Paano ito nakakaapekto sa iyong personal na paglago?
-
Ano kaya ang potensyal na espiritwal sa iyo na nais ipahayag ng panaginip na ito?
Para Masabing Ang Isang Panaginip Ay Mula Kay Allah:
-
Sumasang-ayon ito sa Kasulatan.
Halimbawa, ipinagbabawal ng Tawrat (Levitico 19:31) ang panghuhula, mangkukulam, at ang pakikipag-ugnayan sa mga espiritista. Kung gagamit si Allah ng mga simbolo, ito ay mga simbolo na may personal na kahulugan sa iyo na hindi sumasalungat sa banal na kasulatan. -
Taglay nito ang karakter ni Allah.
“Sapagkat ang Diyos ay hindi nagbigay sa atin ng espiritu ng takot, kundi ng kapangyarihan, pag-ibig, at **disiplina sa sarili.” (Injil, 2 Timoteo 1:7, Filipino Standard Version) -
Totoo at tumpak ito.
-
Nagbubunga ito ng mabubuting bunga.
“Ang bunga ng Espiritu ay pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, pagtitiyaga, kabutihan, katapatan, kahinahunan, at **pagpipigil sa sarili.” (Injil, Galacia 5:22–23, Filipino Standard Version) -
Tinuturo nito ang tao papunta kay Allah.
Sa Tawrat (Deuteronomio 13 at 18), nagbibigay si Allah ng mga palatandaan upang makilala ang tunay na pahayag mula sa huwad. -
Puno ito ng liwanag at kulay.
Ang mga panaginip na mula kay Allah ay masigla, puno ng kulay, nagbibigay pag-asa, kasama ang isang kakaibang pakiramdam ng kapanatagan at kababalaghan, at nagpapakita ng isang aspeto ng karakter ng Diyos.